Pages

Monday, May 14, 2012

Labing Limang Araw

 
Labing Limang Araw

Kalahating buwan mong pinagpaguran,
kinsenas o katapusan ito'y iyong makakamtan,
sweldo mong kakarampot at iilan,
Wala ka ng magagawa kundi pagkasyahin mo nalang.


Marami kang nais bilhin,
O kaya'y sa mamahaling restaurant ay kumain,
Bibili ba ng sapatos para mawala na ang paltos,
Sa sobrang luma at sikip mo ng sapatos?
O kaya'y bibili ng damit kahit tokador mo ay puno na at siksik,
ng mga damit mong di mo man lang matiklop kahit saglit.


May bago kang gadget na nakita,
nangako sa sarili na pagiipunan mo muna,
pero tila naaata't ka na,
mabili lamang  ay mangungutang ka pa.


Pero paguwi mo ng bahay iyong napuna,
Lalagyanan ng bigas aba'y wala na?!!
Kape, gatas at asukal ay ubos na
Wala ng shampoo, sabon ay tunaw na.


Dali-dali kinuha ang iyong pitaka,
2 Bughaw na papel inabot mo kay Ina,
"Ma ito, ipang grocery mo muna".


Nakaramdam ka ba ng panghihinayang?
Sa tuwing nagaabot ka sa kanila para sa inyong pangangailangan?
O nakakaramdam ka ng saya
Sa pagbibigay mo sa kanila ng may pagkukusa?



Oo,Sweldo mong pinagpaguran,
Labing limang araw mong pinaghirapan,
Lahat ng pagod mo ay biglang lilisan,
Kapag napangiti mo na ang iyong mga magulang.


Ganyan ka rin ba??

No comments:

Post a Comment

Leaving a comment will surely make my day. Thanks for dropping by!