Pretty Followers

Showing posts with label Poems. Show all posts
Showing posts with label Poems. Show all posts

Monday, May 14, 2012

Labing Limang Araw

 
Labing Limang Araw

Kalahating buwan mong pinagpaguran,
kinsenas o katapusan ito'y iyong makakamtan,
sweldo mong kakarampot at iilan,
Wala ka ng magagawa kundi pagkasyahin mo nalang.


Marami kang nais bilhin,
O kaya'y sa mamahaling restaurant ay kumain,
Bibili ba ng sapatos para mawala na ang paltos,
Sa sobrang luma at sikip mo ng sapatos?
O kaya'y bibili ng damit kahit tokador mo ay puno na at siksik,
ng mga damit mong di mo man lang matiklop kahit saglit.


May bago kang gadget na nakita,
nangako sa sarili na pagiipunan mo muna,
pero tila naaata't ka na,
mabili lamang  ay mangungutang ka pa.


Pero paguwi mo ng bahay iyong napuna,
Lalagyanan ng bigas aba'y wala na?!!
Kape, gatas at asukal ay ubos na
Wala ng shampoo, sabon ay tunaw na.


Dali-dali kinuha ang iyong pitaka,
2 Bughaw na papel inabot mo kay Ina,
"Ma ito, ipang grocery mo muna".


Nakaramdam ka ba ng panghihinayang?
Sa tuwing nagaabot ka sa kanila para sa inyong pangangailangan?
O nakakaramdam ka ng saya
Sa pagbibigay mo sa kanila ng may pagkukusa?



Oo,Sweldo mong pinagpaguran,
Labing limang araw mong pinaghirapan,
Lahat ng pagod mo ay biglang lilisan,
Kapag napangiti mo na ang iyong mga magulang.


Ganyan ka rin ba??

Saturday, December 31, 2011

MgaEpal.com - Happy 2nd Anniversary!




Munting Pagbati

Apat na tila apparition,
Bumuo ng site na MgaEpal.com,
Sinusubaybayan ko palang sila sa maikling panahon,
Pero ako'y natuwa kaya araw-araw na ngayon,
Nagbabasa at naglalaan ng aking panahon,
Mabisita lang ang pahina ng kanilang opinyon.

Just wanna greet the 4 of you,
A Happy second Anniversary to you!
May you have more subscribers,
Readers and Followers to come.

Boss Chip, sana ay dumami pa ang inyong Chix!
Wag lang papahuli kay Boss Chic! (hehe)

Bunso, mahirap man kayong abangan sa tambayan,
Dahil sobrang dalang lang kung kayo ay dumalaw,
Todo kilig naman ako pag kayo'y napadaan.

Kulturantado, tunog hiwaga man ang inyong pangalan,
Marami sa amin kutob kayo ay gwapo naman.

At Manong Guard, kayo ang sa akin ay pinakamalapit,
Pano ba naman kayo sa akin ay laging nagpapaakit, (joke lang!)
Salamat sa lagi ninyong pagtambay,
Ligaya ko tulo'y walang humpay!

Aantayin po namin ang panahon,
Kung saan sasagutin nyo ang aming hamon,
Na kayo balang-araw ay magpakita,
Sa mga masugid ninyong mambabasa.

Mua Mua Tsup Tsup po sa inyo!!
Muli, maligayang Anibersayo!


xoxo,
Jenny

What do you want to see in my very first Giveaway?

Search This Blog