Pretty Followers

Wednesday, May 9, 2012

Inalam

Isa sa mga authors ng MgaEpal.com
Aking nakakulitan, nakapalagayan ng loob,
ManongGuard kung sya'y tawagin
Ito'y naging hiwaga para sa akin
Dahil kung iyong iisipin, machong macho ang dating.

Hinuha ko sya ay bente ocho anyos
Anupa't pilit inalam kanyang mga datos
I really don't know where to start,
I don't even know his first name or last. (nosebleed, tagalog ulit).

Humingi ako ng tulong kay pareng internet,
Ngunit walang naibigay na tulong , resulta'y naging panget
Sa forum ng PEX ako'y may nasagap
Ilang mga detalyeng tila mapagpanggap.
May ilang nagsasabing isa raw sa author ay aktibista,
Habang ang 2 iba pa ay taga gawa ng pelikula
At anak ng AFP ang natitirang isa pa.

Lumipas ang ilang araw at ako muli'y may nalaman
Nagpakilalang ManongGuard, ako'y binigyan ng larawan
Mahaba ang buhok, katawan ay may kalaparan.
Kung tatanungin mo "anong itsura niya?"
'Kinalulungkot ko pero di ko rin mahinuha
Ang litrato kasi ay nakatalikod ang kuha (nyahahaha)

Pilit inalam at inimbestigahan
Kung akin bang mapapaharap nakatalikod nyang larawan
Sa tulong ni AQUA aming napag-alaman
Dating nakatalikod ngayo'y nakaharap naman,
Anong itsura?? Nevermind. . . . . . . .
Pero aking nalaman yun pala ay impostor,
Nagpanggap na ManongGuard, aba'y ang galing parang aktor!

Oh mga author ng MgaEpal.com,
Alamin ang inyong pangalan sa akin ay isang hamon
Gugulin ko man ang aking maghapon,
Sa paghahanap ng katiting na impormasyon
Mabibigo ba ako tulad ng sa kahapon?

Sabi nga ng kanta ng Siakol na banda,
"Balang araw konting tyaga makatitikim na din ng nilaga",
Siguro naman sa aking pagtsatsaga
Darating ang araw akin din silang makikilala,
Hindi man ngayon, bukas o sa makalawa,
Baka sa susunod na buwan o mga taon pa nga.


Kahit ngayon ako'y may konti ng alam,
Di ko naman ito pwedeng ipag bigay alam.
Hindi ko rin naman ipinagmamayabang
Masaya lang ako dahil mayroon na akong nalaman.

Ngunit ang tanong ngayon: Nasaan na sila?
Busy sa chicas o nagbabakasyon pa ba?
Bakit tila' wala na silang pabasa
Hinuha ko, mayroon lang silang surpresa
Ibibigay sa tamang panahon sa mga mambabasa
Maghintay lang tayo at umasa
Babalik muli ang MgaEpal na Ninja.
A.S.A.

1 comment:

Leaving a comment will surely make my day. Thanks for dropping by!

What do you want to see in my very first Giveaway?

Search This Blog